^

Balita Ngayon

1-buwan suspensyon ng Willing Willie kinatigan ng CA

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na suspendihin ang noontime show ni Willie Revillame na Willing Willie sa TV5.
 
Sa 11-pahinang desisyon ni Associated Justice Manuel Barrios ng 2nd Division, sapat nang dahilan upang suspendihin ng isang buwan ang noontime show dahil sa pagpilit sa isang batang lalaki na sumayaw na parang isang macho dancer.
 
"A review of the recording of that segment shows a 6-year old boy gyrating like a macho dancer while being cajoled and goaded by the show's host and the audience ... is commonly perceived as transpiring only in night clubs and other shadowy establishments," nakasaad sa desisyon.
 
Tinawag din ng korte si Revillame na 'insensitive' dahil sa pagpapasayaw sa bata kahit umiiyak na ito kapalit ng pera.
 
"While money has great utility and is beneficial in these times of want, it must never be used as justification to sacrifice good morals, decency, self respect and the psychological well-being of its citizens especially the young," nakasaad pa sa desisyon ng CA.
 
Pinagpasalamat naman ni MTRCB Chairman Eugenio Villareal ang desisyon ng korte at sinabing umaasa siyang magiging aral na ito sa iba pang palabas.
 
"May this  ... allow the television industry, especially those more directly concerned, to move on and help build an entertainment culture that is truly audience-sensitive and particularly looking out for the welfare of our young," pahayag ni Villareal.
 
Sinabi ng MTRCB sa orihinal na desisyon na ang palabas ni Revillame ay lumabag sa batas, "violated a law against immoral and indecent broadcasts that run counter to Filipino values."
 
Hindi ito ang unang beses na nasuspinde ang palabas ni Revillame. Una ay noong 2011 sa ilalim ng pamumuno ni Grace Poe Llamanzares sa MTRCB kasunod ang mga reklamo ng mga children's rights advocates.
 
Ilang beses na rin itong pinagalitan ng MTRCB kahit pa noong nasa ABS-CBN pa ang palabas ni Revillame.

ASSOCIATED JUSTICE MANUEL BARRIOS

CHAIRMAN EUGENIO VILLAREAL

COURT OF APPEALS

GRACE POE LLAMANZARES

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

REVILLAME

WILLIE REVILLAME

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with