^

Balita Ngayon

Drug gang leader, tinedyer tiklo sa Pangasinan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiklo ang hinihinalang pinuno ng kilabot na drug group kasama pa ang isang menor de edad sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lungsod ng Dagupan, Pangasinan nitong Martes.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nasakote si Allanoden Mustapha, na kilala rin sa alyas na Salinga Naga, 46, at 16-anyos na menor de edad nitong Mayo 21 matapos bentahan ang mga tauhan ng PDEA Regional Office ng shabu sa Perez Boulevard, Dagupan City.

Nabawi mula sa mga suspek ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu, dalawang motorsiklo at P500 na ginamit bilang marked money.

Sinabi pa ni Cacdac na si Mustapha ang pinuno ng Basilan Drug Group at kabilang  sa listahan ng PDEA bilang High Value Target drug personalities.

Nahuli na noong 2011 si Mustapha sa pagpapatupad ng Oplan Avatar 2 ngunit nakalaya rin matapos magpiyansa.

Inihahanda na ng PDEA ang mga isasampang kaso laban kay Mustapha, habang dinala na sa kustodiya ng Dagupan Social Development and Welfare Office ang menor de edad na kasama nito.

vuukle comment

ALLANODEN MUSTAPHA

ARTURO CACDAC JR.

DAGUPAN CITY

DAGUPAN SOCIAL DEVELOPMENT AND WELFARE OFFICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG GROUP

HIGH VALUE TARGET

MUSTAPHA

OPLAN AVATAR

PEREZ BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with