Clearance mula sa Taiwan hinihintay pa ng NBI

MANILA, Philippines -  Umaasa si Justice Secretary Leila de Lima na papayagan ng pamahalaan ng Taiwan na makapunta sa kanilang bansa ang isang team ng National Bureau of Investigation (NBI) upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa pamamaril ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang Taiwanese na mangingisda.

Sinabi ni De Lima ngayong Martes na kailangan ng official clearance upang awtorisado ang paggalaw ng PCG patungong Taiwan at maiwasan na tumaas pang muli ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

"Ngayong araw po malalaman natin kung opisyal nang pinayagan o mayroon nang clearance (NBI) sa authorities nila," pahayag ni De Lima sa isang panayam sa radyo.

Pumayag ang Pilipinas at Taiwan na magkaroon ng parallel investigation sa pagkamatay noong Mayo 9 ni Hung Shih-chen.

Imbes na magkaroon ng joint investigatoon ay magtutulungan na lamang ang Pilipinas at Taiwan pero maghiwalay silang magsasagawa ng imbestigasyon sa fishing vessel na pinagbabaril ng PCG.

Sinabi ni De Lina na tapos nang suriin ng NBI ang mga ebidensya mula sa Pilipinas.

"[W]hat remains to be done as far as I know ay 'yung tawagan 'yung NBI na pumunta sa Taiwan para makumpleto na 'yung imbestigasyon," sabi ni De Lima.

Inisantabi ni De Lima ang konklusyon ng mga imbestigador ng Taiwan na sinadyang paputukan ng PCG ang barko ng mangingisda na pumasok sa katubigan ng Pilipinas na walang pahintulot.

Show comments