MANILA, Philippines – Hindi pinayagang magsagawa ng kilos protesta ang aktibistang grupo sa harap ng Philippine International Convention Center (PICC) sa lungsod ng Pasay ngayong Biyernes.
Hinarangan ng mga pulis ang gruping Anakpawis sa pagsasagawa ng protesta sa harap PICC kung saan isinasagawa ng Comelec en banc, na umuupong National Board of Canvassers, ang pagbibilang ng mga boto sa pagkasenador at party-list.
Hindi na pinaabot pa ng mga awtoridad ang mga aktibista sa PICC kung saan hinarang na ang mga ito sa may Film Center sa kahabaan ng Roxas Boulevard.
Nananawagan ang mga ito sa pagbibitiw sa puwesto ni Comelec chairman Sixto Brillantes Jr. dahil sa umano’y kapalpakan ng eleksyon 2013.