MANILA, Philippines – Sigurado na si Jejomar Erwin Binay para sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod ng Makati matapos talunin ang katunggali nitong si Renato Bondal.
Tinambakan ni Binay ang lumaban na dating kapitan ng barangay na si Bondal sa mga nakuhang boto na 224,740 kumpara sa 27,505, ayon sa pagkakasunod.
Muli rin naman nakaupo sa puwesto si bise-alkalde Romulo “Kid†Peña na may 129,499 na boto sa dikitan nilang laban ni Marjorie de Veyra na may 122, 956 na boto. Kaalyado ni Binay si De Veyra na tanging kandidato na hindi nanalo mula sa ‘Team Binay.’
Nangako si Binay na tututukan ang social projects para sa lungsod sa pagsisimula ng kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod.
"More infrastructure projects, social projects and quality education. We will continue with what we have started in 2010,†pahayag ni Binay.
Wagi rin sa pagkakongresista si Monique Yasmin Lagdameo para sa unang distrito at sa pangalawang distrito naman si Mar-Len Abigail Binay-Campos.