MANILA, Philippines – Opisyal nang ipinroklama bilang alkalde ng lungsod ng Quezon si Herbert Bautista ngayong Martes.
Pinataob ni Bautista para sa kanyang pangalawang termino ang mga sumubok na sina Johnny Chang at Henry Samonte.
Samantala, wagi rin naman ang running mate ni Bautista na si Joy Belmonte bilang bise-alkalde nito matapos pataubin si Rolando Jota.
Nanaig naman para sa upuan sa Kongreso sina Boy Calalay (District 1), Winston Castelo (District 2), Bolet Banal (District 3), kasalukuyang House
Speaker Feliciano Belmonte Jr. (District 4), dating aktor na si Alfred Varfas (District 5) at Christopher Belmonte (District 6).
Ipinroklama ng Comelec ang mga nanalong kandidato para sa lungsod ng Quezon bandang 2 ng hapon.