MANILA, Philippines – Nangunguna sa karera sa party-list ang Buhay party-list ni Mariano Michael Velarde Jr. at dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza, base sa unofficial na bilang ng mga boto ngayong Martes.
Sa huling tala ay mayroon nang 939,576 na boto ang grupo, na ginamit sa mga campaign posters ang ama ni Velarde na si El Shaddai founder Brother Mike Velarde, mula sa 60 porsiyento ng lahat ng congressional districts base sa unofficial na bilangan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting's (PPCRV).
Ang nakababatang Velarde at si Atienza ang una at pangalawang nominado ng Buhay na may adbokasiyang pagpapahalaga sa buhay ng tao at pagiging banal.
"God is good! BUHAY is leading the Partly-list race. Maraming salamat sa inyong suporta. MaBUHAY tayong lahat!" pahayag ng grupo sa kanilang Facebook page ngayong Martes.
Nakabuntot sa Buhay para sa party-list ang A Teacher Party-list na may 739,408 na boto at nasa pangatlong puwesto ang Bayan Muna na nakakuha ng 698,890 na boto.
Narito ang Top 20 na party-list base sa PPCRV.
BUHAY - 939,576
A TEACHER - 739,408
BAYAN MUNA - 698,890
1-CARE - 657,746
AKBAYAN - 606,119
AKB - 564,773
GABRIELA - 529,100
OFW FAMILY - 527,682
ABONO - 524,136
SENIOR CITIZENS - 490,024
COOP-NATCO - 452,847
AGAP - 430,954
CIBAC - 428,864
MAGDALO - 400,098
AN WARAY - 362,062
BUTIL - 328,078
ACT TEACHERS - 321,506
ABAMIN - 314,545
KALINGA - 266,698
ACT-CIS - 265,214
Ayon sa party-list system ng bansa, 20 porsiyento ng upuan sa Kongreso ang nakalaan para sa mga kinatawan ng mga party-list.
Kailangang makalikom ng bawat party-list kahit dalawang porsiyento mula sa kabuuang bilang ng mga boto upang makakuha ng upuan sa Kongreso.
Noong 2010 ay umabot sa 57 puwesto ang naupuan ng mga kinatawan ng party-list.