MANILA, Philippines – Lamang na lamang ang tamabalan nina Quezon City re-electionists Mayor Herbert Bautista at Vice-Mayor Joy Belmonte.
Sa huling bilang ng Commission on Elections (Comelec) ganap na 5:45 ng umaga ngayong Martes, umabot na sa 558,278 boto ang nakukuha ni Bautista laban sa katunggaling si Johnny Chang na may 54,312 at 24,722 kay Henry Samonte.
Tinambakan naman ni Belmonte sa botong 562,582 ang sumubok na si Rolando Jota na nakakakuha pa lamang ng 39,345 na boto.
Nangunguna naman sa pagkakongresista sa Quezon City 1st District si Boy Calalay na may 62,710 na boto habang si Winston Castelo sa district 2 na may 81,645 na boto.
Nakakuha na ng 49,731 na boto si Jorge John Banal para sa District 3, at may 96,682 na boto na ang nakukuha ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., habang lamang si Alfred Vargas sa district 5 na may 11,053 na boto.