^

Balita Ngayon

Matanda inatake sa puso pagkatapos bumoto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang matandang lalaki pagkatapos niyang bitong bumoto sa probinsya ng Batangas, ayon sa Philippine National Police ngayong Lunes.

Sinabi ni Senior Superintendent Rosauro Asio, pinuno ng Batangas police provincial office, inatake sa puso ang matandang si Luis Manalo, 76, pagkatapos bumoto sa isang presinto sa Barangay Kawayan, San Pascual.

"He was able to cast his vote," pahayag ni Asio sa mga mamamahayag sa isang video conference sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Samantala, iniulat din ni Asio na mayroong 14 precint count optical scan machines (PCOS) ang pumalya sa 14 na bayan ng Batangas, kabilang ang Sto. Tomas, Lemery, San Pascual, San Nicolas, Mabini, Laurel, Batangas City, Padre Garcia, San Juan at San Jose.

Pero kaagad din naman naibalik sa normal ang operasyon matapos magdatingan ang back up na PCOS machines.

"Spare PCOS machines were readily available...pinalitan agad," sabi ni Asio.

Dagdag niya na wala silang natatanggap na impromasyon na bibigyan ng palugid ang oras ng pagboto kahit na nagkaroon ng aberya.

"No reports coming from Comelec for extension of voting hours...the number of registered voters not that much kaya mukhang makakahabol naman," sabi ng opisyal ng PNP Batangas.

Nagkaroon din ng problema sa kuryente sa Talisay, Tanauan, Malvar at tatlong barangay sa lungsod ng Lipa bandang 9 ng umaga pero naibalik din ang kuryente matapos ang isang oras.

ASIO

BARANGAY KAWAYAN

BATANGAS

BATANGAS CITY

CAMP CRAME

LUIS MANALO

PADRE GARCIA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with