Belmonte matapos bumoto: Mas maayos ngayon

MANILA, Philippines – Bumoto na si House Speaker Feliciano "Sonny" Belmonte ngayong Lunes ng umaga kung saan sinabi niyang plantsado ang naging proseso ngayon.

Limang minuto lamang ang kinailangan ni Belmonte upang makaboto sa Christ The King Seminary sa E. Rodriguez Boulevard sa lungsod ng Quezon.

Muling tumatakbo si Belmonte bilang kinatawan ng ikaapat na distrito ng lungsod.

"(It is) very efficient compared to last time (2010 elections)," komento ni Belmonte.

Dumating si Belmonte sa presinto bandang 9 ng umaga at naging mabilis ang pagboto nito.

"I don't have any kodigo," sabi ni Belmonte tungkol sa bilis ng kanyang pagboto.

Show comments