MANILA, Philippines – Niyanig ng pagsabog ang isang power plant sa probinsya ng Iloilo, dahilan para masira ang isang bakal na poste sa lugar, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes.
Base sa natanggap na ulat ng PNP headquarters sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon ay naganap ang pagsabog sa power line steel tower ng National Grid Corp. of the Philippines sa Barangay Indag-an, Miag-ao, Iloilo bandang 11:30 ng Biyernes.
Nasira ang nakasementong bahagi ng poste kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumagana, dagdag ng PNP.
Napag-alamanan ng mga awtoridad na isang improvised explosive device ang ginamit upang mapasabog ang poste.
Nasa layong 3.5 kilometro ang Barangay Indag-an sa sentro ng bayan ng Miag-ao, habang ang Miag-ao ay 40 kilometro ang layo sa lungsod ng Iloilo.