MANILA, Philippines - Ipinatigil ng Korte Suprema ngayong Biyernes ang pagpapatupad ng "money ban" ng Commission on Elections (Comelec).
Hinarang ng kataas-taasang hukuman ang pagpapatupad ng Comelec Resolution No. 9688 at Reoslution No. 9688-A matapos maglabas ng status quo ante order.
"Bankers Association of the Philippines v comelec GR 206794 SC issues status quo ante order against comelec reso 9688 and 9688-A re money ban," pahayag ng SC Public Information Office sakanilang Twitter account.
Lumabas ang utos matapos magpetisyon ang Bankers Association of the Philippines (BAP) na ibasura ang kautusan nitong Huwebes dahil anila'y labag sa saligang batas ang pagpapatupad ng money ban.
Sa resolusyon ng Comelec, ipinagbabawal mag-withdraw, ang encashment ng tseke at magpapalit ng pera na lalampas sa P100,000 kada araw mula Mayo 8 hanggang 13 sa mga banko, padalahan ng pera, sanglaan at finance companies upang maiwasan ang pamimili ng boto ng mga kandidato.