MANILA, Philippines – Tinanggal sa puwesto ng Korte Suprema ang alkalde ng Lanao del Norte dahil sa patuloy na paggamit nito ng pasaporte ng Amerikano, ayon sa isang tagapagsalita ngayong Martes.
Sa botong 10-5, sinabi ng abogadong si Theodore Te na tanggalin sa puwesto ang kasalukuyang alkalde ng bayan ng Kauswagan na si Rommel Arnado, habang idineklara rin nilang panalo sa Mayo 201 na eleksyon ang kalaban nitong si Casan Maquilin.
Dagdag ni Te na hindi na rin maaaring tumakbo sa kahit anong puwesto sa gobyerno si Arnado base sa desisyon ng mataas na hukuman.
"The SC held that Arnado's continued use of his US passport even after he renounced his US citizenship amounts to a recantation of his Oath of Renunciation thus disqualifying him as a candidate for the post of mayor," pahayag ni Te.