MANILA, Philippines - Sumiklab ang panibagong sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Matalam, North Cotabato.
Ayon sa pulisya, nagsimula ang sagupaan sa pagitan ng dalawang Moro groups nito pang gabi ng Linggo.
Nagpadala na ng mga tauhan ang North Cotabato Provincial Police Office at 602nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Barangay Marbel upang agapang hindi kumalat ang gulo sa mga karatig na bayan.
Sinabi in Dima Ambil, chairman ng Sebangan Kutawato State Revolutionary Committee ng MNLF, naunang umatake ang mga tauhan ng MILF sa kanilang kuta sa Barangay Marbel.
Marami nang mga residente ng barangay ang tumakbo sa ibang lugar upang hindi madamay sa sagupaan, ani Ambil.
Ayon sa mga ulat, nagpapalitan pa rin ng putok ang magkabilang panig bandang 9 ng umaga nitong Lunes.
Hindi pa batid kung may mga nasugatan o namatay na sa sagupaan.