MANILA, Philippines – Sumiklab ang panibagong labanan sa pagitan ng puwersa ng Malaysia at Royal Security Forces (RSF) ng Sultanato ng Sulu sa iba’t ibang bahagi ng Sabah, ayon sa isang opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF).
Sinabi ni Habib Mujahab Hashim, tagapangulo ng Islamic Command Council (ICC) ng MNLF, na inatake ng puwersa ng Malaysia ang RSF nitong Miyerkules kung saan 1,600 “volunteers†ang pumuslit papasok ng Sabah upang sumanib sa RSF sa pamumuno ni Agbimuddin Kiram.
Matatandaan na nitong Pebrero ay tumungo ng Sabah si Agbimuddin kasama ang 200 miyembro ng RSF upang angkinin ang isla.
Idinagdag ni Hashim na naganap ang engkwentro sa Lahad Datu dahil sa patuloy na pagtugis ng puwersa ng Malaysia laban sa mga tauhan ng sultanato ng Sulu.
Sinabi pa ni Hashim, na umuupong tagapangulo ng Royal Council of Sharifs ng sultanato ng Sulu, patuloy ang engkwentro sa ilang parte ng Sempurna kahit na magsasagawa ng elekyson ang Malaysia sa Mayo 5.
“The fighting is initiated by the Malaysian security forces because of their ongoing Ops Daulat (Operation Sovereignty),†ani Hashim.
Sinabi pa ng tagapangulo ng ICC na gumagamit ng taktika ng guerilla ang RSF na gumagana naman.
Sinabi ni Hashim na wala pa namang naiuulat na nasawi sa bakbakan ng dalawang tropa.
Aniya ang mga tumungong tauhan ng MNLF sa Sabah ay pawang mga ‘volunteer’ at ang iba dito ay sumusuporta sa Sultanato ng Sulu.
“But our position in the MNLF is we don’t encourage them. However, we cannot prevent them. They sneaked into Sabah to join the RSF,†sabi ni Hashim.
Dagdag ni Hashim na nais nila na maging mapayapa ang pagsasaayos ng gusot sa Sabah.