MANILA, Philippines – Nilamon ng apoy ang campaign headquarters ng Liberal Party sa Sultan, Kudarat sa Maguindanao nitong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ni Mojaherin Gampon, hepe ng Sultan Kudarat’s municipal fire department, bukod sa nasunog na LP headquarters sa Barangay Bulalo ay may dalawa pang bahay na nadamay.
Dagdag ni Gampon na inaalam pa nila ang pinagmulan ng sunog.
Samantala, bago ang sunog ay nakatanggap na ng mga banta at pananakot ang may-ari ng gusali na si Rissie Jumalon Torres, na napilitang umalis ng Maguindanao dahil sa mga pananakot mula isang grupong gustong ipasara ang headquarters ng LP.
Sinabi naman ni Senior Inspector Robert Papa, hepe ng Sultan Kudarat municipal police, sa Catholic radio station na dxMS ngayong Huwebes na iniulat na sa kanila ni Torres ang mga natatanggap niyang pagbabanta dahil sa pagpapaupa sa isang kandidato sa pagkaalkalde ng bayan sa ilalim ng LP.
“She only had it recorded. She did not execute any sworn statement or filed charges against those that allegedly threatened her,†pahayag ni Papa sa panayam sa dxMS.
Inuupahan ni Musib Salipada, opisyal na manok ng LP sa pagkaalkalde sa Sultan Kudarat, ang gusali ni Torres. Kalaban ni Salipada sa pagkaalkalde si Shameem Mastura na nasa ilalim naman ng United Nationalist Alliance.
Sinabi naman ni Musib Salipada, ang provincial chairman ng UNA, na paninira lamang ito sa kanyang pagtakbo nilang gobernador ng Maguindanao.
“It’s fabricated. There seems to be pre-emption (of the incident),†pahayag naman ni Mastura sa panayam din sa dxMS.
Una nang iniutos ni Mastura, na kasalukuyang alkalde ng Sultan Kudarat, sa mga pulis na higpitan ang seguridad sa LP headquarters upang mapigilan ang panggugulo at upang hindi sila masisi kung sakaling may mangyari sa lugar.