^

Balita Ngayon

Mar: Kaso ng poll-related violence mas mababa ngayong 2013

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Halos kalahati ang ibinababa ng bilang ng election-related violent incidents (ERVIs) ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na panahon ng eleksyon, ayon kay Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Sinabi ni Roxas na 17 validated ERVIs pa lamang ang naitatala ng pulisya ngayong taon kumpara sa 33 noong 2010 at 23 noong 2007.

Mula noong Enero 10 hanggang Abril 26, 12 katao ang naitalang nasawi, apat ang sugatan, habang isa ang hindi nasaktan sa 15 poll hotspots sa bansa, dagdag ni Roxas.

Nilinaw ni Roxas na hindi kabilang sa ERVI ang pananambang sa convoy ni Nunungan, Lanao del Norte mayor Abdul Manamparan dahil away angkan ang motibo nito at hindi pulitika. Umabot sa 13 katao ang patay, kabilang ang anak na babae ni Manamparan, sa naturang pananambang.

"This means such incident could transpire even there is no election," sabi ni Roxas.

Samantala, nakapagtala ng 84 insidente ang pulisya base sa website ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (didm.pnp.gov.ph), kabilang ang walang kinalaman sa eleksyon, ang naitala mula noong Enero 13 hanggang Abril 25.

Umabot sa 141 biktima (64 nasawi, 54 sugatan, at 23 hindi nasaktan), kabilang ang 78 nakaupong opisyal ng gobyerno, ang kasama sa talaan ng PNP-DIDM.

Sa huling tala noong Abril 30 ay umabot na sa 2,845 ang naaareto dahil sa paglabag sa election gun ban, kung saan 2,684 na armas na ang nakukumpiska.

Sinabi pa ni Roxas na magdaragdag ang pulisya ng puwersa dalawang linggo bago ang eleksyon sa Mayo 13.

Sa mismong araw ng eleksyon ay ipapatawag ang 11,693 PNP recruits mula sa mga training centers upang ipakalat sa 15 election priority provinces o mga lugar na nangangailangan ng mas mataas na atensyon mula sa pulisya.

“We will also deploy some 18,000 personnel or 50 percent of the uniformed personnel doing administrative functions or duties in their respective offices. Overall, that’s an additional 30,000 men who will be deployed to carry out election duties,” sabi ni Roxas.

Noong Nobyember 2012 tinukoy ni Roxas ang 15 probinsyang kabilang sa priority watchlist ng PNP.

Kabilang sa “high risk areas” ang Abra, Pangasinan, Ilocos Sur, La Union, Cagayan, Pampanga, Nueva Ecija, Batangas, Cavite, Masbate, Samar, Misamis Occidental, Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan.

Sinabi ni Roxas na isinama ang mga nasabing probinsya sa priority watch list base sa prisensya ng private armed groups, loose firearms, intense political rivalries, may kasaysayan ng  karahasan tuwing eleksyon, at prisensya ng mga terorista, at mga rebelde.

ABDUL MANAMPARAN

ABRIL

ENERO

ILOCOS SUR

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

LA UNION

LANAO

ROXAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with