Noy kukulitin ng TUCP sa jobless rating
MANILA, Philippines – Ilalatag ng Trade Union Congress of the Philippines kay Pangulong Benigno Aquino III ang mga bagong agenda ng grupo sa tradisyonal na Labor Day breakfast bukas.
"It's a once-a-year privilege for labor leaders but there has been no working meeting between labor groups and President Aquino since he assumed office in 2010. He promised to meet us on a regular basis but there has been none of that since he made a promise," pahayag ni TUCP secretary general Gerard Seno.
Gaganapin ang pagpupulong sa Heroes Hall ng Malacañang bukas sa ganap na 10 ng umaga.
Naimibitahan si TUCP President Victorino Balais at Seno na dumalo sa pagpupulong kasama pa ang 40 iba pang labor leaders na karamihan ay mula sa labor koalisyon na Nagkaisa!.
Una sa listahan ng kanilang nais pag-usapan ang tumataas na bilang ng mga walang trabaho kahit magkakasunod ang balitang gumaganda ang ekonomiya ng bansa.
"On top of the agenda is this so-called jobless growth. There has been a pronounced improvement in the economy but this growth does not translate to generate opportunities for employment nor it satisfies the underemployed," sabi ni Seno.
Sa tala na inilabas ng National Economic Development Authority, lumabas na sa pagtatapos ng 2012 ay pumalo sa 6.6 porsiyento ang Gross Domestic Product kumpara sa 6.4 porsiyento ng Thailand, 6.2 porsiyento ng Indonesia, 5.6 porsiyento ng Malaysia, 5.0 ng Vietnam at 1.2 porsiyento ng Singapore.
Aabot naman sa 2.89 milyong Pilipino ang walang trabaho nitong Enero 2013 mas mataas mula sa huling tala noong Oktubre 2012 na 2.76 milyon, base sa pag-aaral ng National Statistics Office.
Mas mataas ng 916,000 ang bilang ng underemployed ng 2013, 7.934 milyon, kumpara sa 7.018 milyon ng Enero 2012, at 7.050 milyon ng 2011.
Sinabi ni Seno na karamihan sa isyu sa trabaho ay nagmumula sa mga isyu ng employment at paggawa ng trabaho, pagtaas ng suweldo, contractualization, social protection, right to self organization and collective bargaining, tripartism and social dialogue at labor dispute settlement.
Dagdag niya na kailangan ding pag-aralan muli ang two-tiered wage system na ipinapatupad ng Department of Labor and Employment, paglilinaw ng isyu sa mga buwis, at ang hindi pagsunod sa pagpapatupad ng Wage Rationalization Act.
- Latest
- Trending