^

Balita Ngayon

Nigerian naharang sa NAIA dahil sa shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa tatlong kilo ng shabu ang nakumpiska mula sa 39-anyos na Nigerian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay nitong Biyernes ng gabi.

Pinangalanan ni Arturo Cacdac Jr., hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency, ang suspek na si Michael Owoborode, isang negosyante mula sa lungsod ng Lagos.

Sinabi ni Cacdac na dumating sa bansa si Owoborode sakay ng Thai Airways Flight TG624 mula sa Bangkok, Thailand,  nang maaresto siya bandang 9:30 ng gabi sa arrival area ng NAIA Terminal 1.

Napansin ng Duty Customs Examiner ang tatlong pakete ng ilegal na droga na nakasilid sa kaliwa, kanan at likurang bahagi ng bag ni Owoborode.

Base sa flight details ng suspek, napag-alamanan na mula pa ito sa Nigeria at tumungo ng Cairo, Egypt, saka pumunta ng Bangkok, Thailand, bago nakarating dito sa bansa dala ang bawal na droga.

Nasa kustodiya ng PDEA-NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group si Owoborode para sa kasong drug trafficking.

AABOT

ARTURO CACDAC JR.

BIYERNES

CACDAC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG INTERDICTION TASK GROUP

DUTY CUSTOMS EXAMINER

MICHAEL OWOBORODE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

OWOBORODE

THAI AIRWAYS FLIGHT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with