MANILA, Philippines - Sinabi ng isang senatorial bet na maaaring maapektuhan ang eleksyon sa Mayo 13 kung matutuloy ang pagbibitiw ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr.
Ayon kay Liberal Party senatorial bet Ramon Magsaysay Jr., hindi maaaring mabakante ang posisyon ni Brillantes ngayong panahon ng halalan.
"We do not need a leadership vacuum at this point," banggit ni Magsaysay.
Nagpahiwatig si Brillantes na parang gusto na niyang magbitiw sa posisyon dahil sa sunud-sunod na desisyon ng Korte Suprema na hindi pabor sa Comelec.
Ilan lamang sa mga desisyon ang paglalabas ng status quo ante order sa paglilimita ng airtime ng election ads sa radyo at telebisyon, ang isyu sa "Team Buhay, Team Patay" tarpaulin sa Bacolod, isyu sa party-list at ang election protest case sa Imus, Cavite.
Ang Korte Suprema ang may huling desisyon tungkol sa lahat ng isyu na may kinalaman sa Saligang Batas.