MANILA, Philippines – Humingi ng tulong ang United Nationalist Alliance (UNA) kay Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada sa pangangampanya dahil wala ang kanilang "tatlong hari."
Sinabi ni Estrada na kinausap siya ni UNA spokesman Tobias Tiangco tungkol sa pangangampanya dahil hindi makakadalo ang "tatlong haring" sina Vice President Jejomar Binay, dating Pangulong Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile.
“I’m always ready to join the campaign sorties of UNA. There is no problem on my part. We talked regularly over the phone. In fairness to them, I am the one asking about their schedules. I reached out to them,†pahayag ni Estrada.
Malimit na nasa labas ng bansa si Binay, habang si Enrile ay may problema sa mata at ang dating pangulo naman ay nangangampanya na sa Maynila para sa kanyang kandidatura sa pagka-alkalde.
“As of now, I am preoccupied on campaigning for my dad and campaigning also for my daughter Janella in San Juan,†dagdag ng senador.
Pumayag naman si Estrada na ipangampanya ang kanyang kapatid sa ama na si San Juan City Rep. JV Ejercito, pero kung gusto lamang ng kanyang nakababatang kapatid.
“As long as he needs my help I’m willing to help anybody. Kahit sino naman humingi ng tulong ko, tutulungan natin basta kaya,†ani ng senador.
Naniniwala si Estrada na hindi makakaapekto ang pagbaba sa ratings ni JV sa magiging resulta ng halalan sa Mayo 13. Pero inamin ng senador na nag-aalala siya at sinabing kailangan na rin mag “double time†sa pangangampanya ng kanyang kapatid.
Samantala, pinabulaanan naman ni Estrada ang mga ulat na tangka nitong tumakbo sa pagkapangulo sa 2016.
Itinanggi rin nito ang mga usap-usapan na nais tumakbo ng presidential sister na si Kris Aquino sa pagka bise-presidente.
"Well, siguro those are simple playing rumors and if ever my kumare decides to join politics, she’s most welcomed she has a base, she has the charisma of her father, she’s intelligent and ma-appeal sa taong bayan," sabi ng senador.