Mahigpit na barter rules ipapatupad ng Malaysia

MANILA, Philippines – Dahil sa nangyaring kaguluhan sa Sabah, maghihigpit ang gobyerno ng Malaysia sa pakikipagkalakalan sa mga Pilipino at iba pang mga dayuhan kung saan kailangan na nilang magpakita ng pasaporte o seaman’s book bago makapasok sa Sabah at Labuan.

Sa kalagitnaan ng Abril kailangan nang magpakita ng mga papels ang mga papasok ng Sabah tulad ng pasaporte, seaman book, at Seaman identification card (SIC).

“With effect from 15 April 2013, all crews of barter trade ships or vessels will be required to produce valid travel documents, i.e international passport or seaman book at all entry ports in Sabah.  Seaman identification card (SIC) will no longer be issued to crews of barter trade ships or vessels without valid travel documentation,” pahayag ng Malaysian Foreign Ministry.

Mula Abril 2, papatakbuhin na ang Custom and Immigration Quarantine (CIQ) nila sa mga pantalan sa Kudat at Lahad Datu gayun din ang mga Immigration Control office sa Karakit, Pulau Banggi kung saan mahigpit na ipapatupad ang mga patakaran, dagdag ng Malaysian Foreign Ministry.

Sa bagong patakaran, ang mga barter traders ay maaari lamang manatili sa Sabah at Labuan ng pitong araw. Hindi rin maaaring lumipat ang mga tripulante sa ibang barko hangga’t hindi pa sila nakakabalik sa kanilang pinanggalingan.

Dati ay kailangan lamang ng a valid medical examination certificate at bayad na 50 Malaysian ringgit (RM) upang makakuha ng SIC.

Mayroong tatlong pantalan sa Sabah – Sandakan, Tawau, Kudat – at isa sa Federal Territory of Labuan.

Maaaring maharap sa kasong 1959/63, Section 55 A ng Malaysian Immigration Act ang sinumang lumabag sa patakaran na kapitan ng barko at maaari ring maparusahan ng limang taon na pagkakakulong o pagbabayad ng RM 50,000 o anim na hambalos ng cane.

Maaari ring makasuhan ng bagong Immigration Act Anti-Trafficking in Person and Smuggling of Migrants na may multang RM500,000 o makulong ng 20 taon at blacklisting.

Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Section 6 (1) (c) o kakulangan sa balidong papeles sa pagpasok sa bansa ang mga tripulante at maaari ring makulong ng limang tao at magbayad ng hanggang RM10,000 o anim na hampas ng cane.

Nakikipagtulungan ang Department of Foreign Affairs sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang matulong ang mga apektadong sektor sa Mindanao.

Show comments