Biglaang drug test isinagawa sa Cubao bus terminal
MANILA, Philippines – Negatibo ang resulta sa 11 tsuper na isinailalim sa random drug test ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayong Martes sa Araneta Center bus terminal.
Isinagawa ang random drug test upang masiguro ng MMDA at PDEA na walang tsuper ng mga bus na biyaheng probinsya ang gumagamit ng droga.
Inabot lamang ng lima hanggang 10 minuto bago malaman ang resulta ng drug test kung saan ginamit ang mga hininging ihi mula sa mga tsuper.
Sinabi ni MMDA chairman Francis Tolentino na ang mga mahuhuling magpositibo sa drug test ay hindi papayagang bumiyahe at posibleng maharap pa sa kaso.
Nagsisimula nang dumagsa ang maraming pasahero sa mga terminal ng bus, mga paliparan at daungan sa Metro Manila dahil sa Kuwaresma.
- Latest
- Trending