3 hinihinalang tulak huli sa Naga

MANILA, Philippines – Aabot sa P300,000 halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong hinihinalang tulak ng droga sa lungsod ng Naga.

Nadakip sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sina Ariel Butalon, 29, Eugene Brutas, 30 at Jack Tripulca, 30, nitong araw ng Linggo.

Nabawi mula sa mga suspek ang tinatayang 60 gramo ng shabu.

Nangyari ang transaksyon sa pagitan ng mga suspek at ahente ng PDEA sa Zone 5, Looban 2, Barangay Balatas, Naga City bandang 8 ng gabi.

Kinumpiska rin ng mga awtoridad ang tatlong motorsiklong dala ng mga suspek.

Nahaharap ang tatlong suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) in relation to Section 26 (Conspiracy), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments