^

Balita Ngayon

38 Sulu army members hiniling makapagpiyansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ng Public Attorney's Office (PAO) ngayong Martes sa korte na hayaang makapagpiyansa ang 38 inarestong tagasuporta ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.

Sinabi ng hepe ng PAO na si Persida Rueda-Acosta na inihayin ng kanilang mga abogado ang motion for bail para sa 38 miyembro ng royal army ng sultan sa Tawi-Tawi Regional Trial Court Branch 5.

Naaresto ang 38 tagasuporta ng sultan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Navy sa karagatan ng Tawi-tawi nitong nakaraang linggo.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong inciting to war, illegal possession of firearms, at paglabag sa gun ban ng Commission on Elections.

Iginiit ni Acosta na ang tatlong kasong kinakaharap ng 38 miyembro ng royal army ay bailable.

Nauna nang sinabi ni Acosta na kung mapagbibigyan ang kanilang hiling ay aapela rin sila na babaan ang halaga ng piyansang ipapataw ng hukuman.

ACOSTA

HINILING

IGINIIT

NAARESTO

NAHAHARAP

NAUNA

PERSIDA RUEDA-ACOSTA

PUBLIC ATTORNEY

SULU SULTAN JAMALUL KIRAM

TAWI-TAWI REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with