Pinaghihinalaang kidnap gang member dinakip sa Iloilo

MANILA, Philippines – Tiklo ang isang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom gang na nambibiktima ng mga Indian nationals sa probinsya ng Iloilo ngayong Lunes.

Kinilala ni Chief Superintendent Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police, ang suspek na si John Dumdumaya.

Sinabi ni Cerbo na naaresto si Dumdumaya sa Barangay Tabuk Suba sa bayan ng Jaro bandang 10:45 ng umaga.

Nahaharap ang suspek, na may nakapatong sa ulo na P200,000 pabuya, sa multiple counts ng mga kaso ng kidnapping sa Morong Regional Trial Court Branch 79.

Sinabi ni Cerbo na miyembro si Dumdumaya ng kidnap-for-ransom group na pinamumunuan ng Indian national na si Inderit Singh alias "Goldy" na naging aktibo noong 2008.

Show comments