Binay sasaksihan ang inagurasyon ni Pope Francis

MANILA, Philippines – Tumulak patungong Vatican si Vice President Jejomar Binay ngayong Lunes upang dumalo bilang kinatawan ng Pilipinas sa inaugural Mass ni Pope Francis I.

Sinabi ni Binay na personal niyang iaabot ang congratulatory letter ni Pangulong Benigno Aquino III sa bagong Santo Papa.

"I'll be representing the country in the inaugural mass and the installation of the Pope. And I'll be bringing likewise the letter of the President congratulating the Pope," pahayag ni Binay.

Aniya, isang karangalan na masaksihan ang pagluluklok sa bagong Santo Papa at tumayo bilang kinatawan ng Pilipinas, ang tanging predominantly Catholic na bansa sa Asya, sa makasaysayang inagurasyon

Hinimok ni Binay ang mga Pilipino na ipagdasal ang bagong Santo Papa upang mapunuan ng maayos ang Simbahang Katolika.

Opisyal na iluluklok si Pope Francis ngayong Martes, Marso 19, na inaasahang dadaluhan ng maraming pinuno ng iba't ibang mga bansa.

Samantala, sinabi din ni Binay, na presidential adviser on overseas Filipino workers Affairs, na makikipagpulong din siya sa mga Pilipino sa Italya upang ihayag ang mga programa ng gobyerno.

Show comments