^

Balita Ngayon

Phl Standard Time bill lagda na lang ni PNoy ang kulang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lagda na lamang ni Pangulong Benigno Aquino III ang hinihintay upang mailunsad ang opisyal na oras na gagamitin sa buong bansa.

Layunin ng House Bill 164 na magkaroon ng Philippine Standard Time (PST) at ideklara ang unang pitong araw ng taon bilang national time consciousness week.

Hangad din ng panukala na makalikom ng pondo sa pagbubuo, operasyon at pagpapanatili ng synchronized time devices o magkakasabay na galaw ng orasan na ilalagay sa mga pampublikong lugar.

Sa ilalim ng HB 164, kailangang gamitin ang PST sa mga tanggapan ng gobyerno sa buong bansa.

Inaatasan ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Time Service Unit, sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST), na manmanan, panatilihin, at ipakalat ang PST sa buong bansa.

Kailangan ding pasunurin ng  National Telecommunications Commission (NTC) ang mga istasyon ng telebisyon at radyo sa PST upang maabot ang mga liblib na lugar sa bansa.

Multang P30,000 hanggang P50,000 ang ipapataw sa mga may-ari ng istasyon ng telebisyon at radyo kung hindi sila susunod sa batas sa unang pagkakataon at kanselasyon naman ng kanilang prangkisa ang maaaring ipataw sa kanila sa ikalawang pagkakataon.

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HANGAD

HOUSE BILL

INAATASAN

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PHILIPPINE STANDARD TIME

TIME SERVICE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with