Mid-level na lider ng Abu Sayyaf tiklo sa Zambo
MANILA, Philippines – Nasakote ng pinagsamang puwersa ng pulisya at militar ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf group sa Zamboanga City ngayong Biyernes.
Nakilala ang suspek na si Jailani Basuril, hinihinalang lider ng Abu Sayyaf sa lungsod ng Zamboanga.
Sinabi ni Senior Superintendent Edwin de Ocampo, hepe ng Zamboanga City police, may alok ang gobyerno na P600,000 na pabuya laban kay Basuril.
Nakorner si Basirul sa kalye ng Valderoza, ilang metro ang lapit sa city hall ng Zamboanga city, bandang 7 ng umaga.
Inihayin ng mga awtoridad ang dalawang warrant of arrest na inilabas ni Judge Danilo Bucay at Judge Leo Jay Principe ng Basilan kay Basuril na patungong port area nang madakip.
Nahaharap sa kasong kriminal si Basirul dahil kabilang umano ito sa pagdukot sa mga manggagwa ng Golden Harvest Plantation sa Barangay Tairan, Lantawan, Basilan noong 2001.
Sinunog ng mga rebelde ang platasyon at dinukot ang walong manggagawa, apat sa mga ito ay pinugutan ng ulo.
- Latest
- Trending