Mga kandidato sa Tacloban City lumagda sa peace covenant
MANILA, Philippines – Lumagda sa isang peace covenant ang dalawang grupo ng mga kandidato sa lokal na halalan sa Tacloban City nitong Huwebes.
Pinangunahan ng kasalukuyang alkalde na si Alfred Romualdez ng Nacionalista Party at An Waray Party-list representative Florencio Noel ang pagtiyak ng mapayapang eleksyon sa kanilang pinirmahang peace covenant sa Sto. Niño Church.
Pinangasiwaan ng Commission on Election (Comelec) sa pamumuno ni City Election Officer Attorney Rosemarie Ann Polistico ang pirmahan na dinaluhan din ng mga kandidato sa pagka-konsehal.
Limang pari ang nanguna sa Misa na ginanap bago ang pirmahan ng kasunduan.
“We will abide to what was stated in the covenant,†sabi ni Noel.
Kumpiyansa si Polistico na magiging mapayapang muli ang halalan sa kanilang lugar at umaasa rin siya na susunod ang lahat ng kandidato sa mga patakaran na inilabas ng Comelec sa pangangampanya.
“We have designated places where they can put their tarpaulins and other campaign paraphernalia, if they violate this, they must pay a corresponding amount,†ani Polistico.
Magsisimula ang opisyal na pangangampanya para sa lokal na halalan sa Marso 29.
- Latest
- Trending