Babaeng tulak arestado sa PDEA

MANILA, Philippines – Hinihinalang kilabot na tulak ng droga ang nasakote ng Philippine Drug Enforcement Agency sa operasyong isinagawa ng mga tauhan nito sa lungsod ng Quezon City nitong Martes.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. ngayong Huwebes na nadakip sa buy-bust operation ang 48-anyos na si Cherrilyn Feliciano, residente ng Cruz Compound, Sucat, Parañaque City.

Nakuha kay Feliciano ang 50 gramo ng shabu nang makorner siya sa isang fast-food restaurant sa Fiesta Carnival Arcade, Araneta Center, Cubao.

Binentahan ng suspek ng shabu ang isang nagpanggap na buyer na ahente ng PDEA.

Show comments