MANILA, Philippines – Matagumpay na napigilan ng Philippine Navy ang mga tagasuporta ng Sultanato ng Sulu na nagtatangkang pumuslit patungong Sabah upang tulungan ang royal army sa isinasagawang mga operasyon ng puwersa ng Malaysia.
Sinabi ni Rear Admiral Armand Guzman, hepe ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), walo hanggang siyam na navy patrol ships ang nagbabantay sa karagatan ng Tawi-tawi upang harangan ang mga armadong grupo na magtatangkang pumuslit patungong Sabah.
“There were no reports that their number has swelled or increased in the area but there were attempts from followers of the Sulu sultanate to proceed there (Sabah), but were advised and convinced not to go,†sabi ni Guzman.
Pero inamin ni Guzman na dahil sa lawak ng baybayin ng bansa, maaaring magpanggap na mangingisda ang mga armadong grupo upang malampasan ang mga patrol ships.
Patuloy pa rin ang pagmamanman ng Philippine Marines at kapulisan sa mga tagasuporta ng sultannato sa Tawi-Tawi, Sulu, Basilan at maging sa mainland Mindanao.
Aniya, dalawang naval transport ships ang nakatambay upang ilikas ang mga evacuees mula Sabah patungong Pilipinas.
“In case a peaceful solution will be arrived at , at least we are ready to ferry those who will be going back to the country,†dagdag ni Guzman.