Preso nagbigti sa Pasig Hall of Justice

MANILA, Philippines – Kamatayan ang sintensya ng isang preso sa kanyang sarili nang magpatiwakal sa loob ng Pasig City Hall of Justice.

Sinabi ng mga imbestigador na nakita ang nakasabit na katawan ni Ambro Rajamundo sa holding room sa ground floor ng hall of justice bandang 6 ng umaga ngayong Martes.

Nagbigti si Rajamundo gamit ang bakal na kadena.

Inaalam pa ng mga pulis ang rason sa likod ng pagpapakamatay ni Rajamundo, na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Show comments