MANILA, Philippines – Matapos ang 10 taong pagtatago, nahuli na ang isang mataas na opisyal ng New People's Army (NPA) na pinaghihinalaang pumaslang sa isang radio broadcaster sa Masbate, ayon sa Philippine National Police ngayong Biyernes.
Inanunsyo ng PNP Task Force Usig na nasakote ngayong linggo si Ruel Vargas na nahaharap sa kasong murder kaugnay sa sa pamamaslang kay Masbate broadcaster Nelson Nadura noong 2003.
Sinabi ng pulisya, si Vargas ay miyembro ng executive committee ng Masbate Provincial Party Committee ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA).
Nakorner ng mga awtoridad si Vargas sa ginawang operasyon sa Barangay Lanang sa bayan ng Aroroy.
Ang warrant of arrest laban kay Vargas dahil sa kasong murder at rebelyon ay iniisyu ni Judge Maximo Ables ng Regional Trial Court Branch 47 sa Masbate City.
Si Vargas ay may putong dinsa ulo na P150,000 pabuya.
Pauwi na si Nadura mula sa dzME studio nang tambangan siya at mapatay noong Disyembre 2, 2003.
Dating miyembro ng NPA si Nadura pero sumuko noong 1998 bago binigyan ng amnestiya ng gobyerno hanggang sa pumasok sa larangan ng pamamahayag.