Bata, 13, ginahasa at pinaslang sa North Cotabato

MANILA, Philippines – Palutang-lutang at walang nang buhay nang matagpuan ang isang 13-anyos na babae sa ilog ng Magpet, North Cotabato nitong Martes.

Sinabi ni Senior Inspector Elias Colonia, hepe ng Magpet municipal police, lumalabas na ginahasa muna ang biktimang si Carmela Salundag bago pinalo sa ulo ng matigas na bagay.

Natagpuan si Salundag ng kanyang mga kapitbahay na palutang-lutang sa ilog sa Baranggay Bangkal.

Sinabi ni Colonia na naiulat na dinukot si Salundag ng dalawang lalaki sa Baranggay Ilian sa bayan ng Magpet habang papauwi na galing sa paaralan noong Lunes.

Nanawagan naman ang ama ng biktima na si David sa mga pulis na paigtingin ang imbetigasyon upang matukoy ang mga taong nasa likod ng panggagahasa at pagpaslang sa bata.

Show comments