^

Balita Ngayon

P1.6-M shabu dadalhin sana sa Saudi nasabat

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasabat mula sa isang hinihinalang drug courier ang shabu na aabot sa halagang P1.6 milyon, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ni PDEA director general Arturo Cacdac Jr. na nadakip si Jonas Lopez, 32, ng SSS Tagumpay Street, Sindalan, San Fernando City, Pampanga noong Marso 3.

Nahuli si Lopez matapos timbrehan ang PDEA ng sumukong si Benigno Cayanan Jr., 28, na nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Ayon kay Cacdac, hinihinalang si Lopez ang nasa likod ng talamak na pagbebenta ng shabu sa Riyadh, Saudi Arabia.

Nabawi ang malalaking pakete ng shabu, na may timbang na 297 gramo,  sa pagitan ng espasyo ng pares ng tsinelas na dadalhin sana sa Saudi Arabia noong Martes 2.

“PDEA assures the public that we will continue to halt the exploitation of  our overseas Filipino workers in transporting illegal drugs abroad," sabi ni Cacdac.

ARTURO CACDAC JR.

AYON

BENIGNO CAYANAN JR.

CACDAC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JONAS LOPEZ

LOPEZ

MARSO

SAN FERNANDO CITY

SAUDI ARABIA

TAGUMPAY STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with