Habambuhay hatol sa 2 Tsino
MANILA, Philippines - Habambuhay na kulong ang hatol na ibinaba ng isang lokal na korte sa Caloocan City sa dalawang Tsino na nahulihan ng 40 kilo shabu kamakailan.
Ayon kay Director General Arturo Cacdac Jr. ng Philippine Drug Enforcement Agencyu na hinatulan ng Caloocan City Regional Trial Court Branch 120 Judge Aurelio Ralar, Jr. sina Chinese Qinggou Nian at Dave Go matapos masakote sa buy-bust operation na nagtitinda ng ilegal na droga.
Iniutos din ng korte na kailangang magbayad ng dalawang Tsino ng P10 milyon bawat isa.
Noong Peb. 1, 2011 dinakip ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office sina Nian at Go sa isang buy-bust operation kung saan nasabat ang 40-kilo ng mataas na klase ng shabu na nagkakahalaga ng P200 milyon.
Ikinatuwa ng PDEA ang magkakasunod na mga resolusyon sa mga kaso ng droga ng mga foreigner.
- Latest
- Trending