^

Balita Ngayon

Trak nahulog sa ilog; 1 patay, 15 sugatan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang patay at 15 ang sugatan nang tumilapon sa ilog ang isang trak sa bayan ng Naga sa Zamboanga Sibugay, ayon sa pulisya ngayong Martes.

Kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Zamboanga Peninsula regional police office, ang nasawing si Virgilio Montillano, 24, isang kolektor ng rubber latex.

Sinabi ni Huesca na kaagad dinala sa isang ospital sa Naga ang mga sugatang biktima.

Base sa imbestigasyon, ang Isuzu forwarder truck na may plakang GDP 600 at may lamang 2,500 kilo ng rubber latex na minamaneho ni Jifty Adalla ay galing sa Baranggay Sulo matapos manguha ng mga goma sa Sarbemco plantation.

Nawalan ng preno ang trak habang pabalik sa Block 32 sa parehong baranggay.

“The truck sped wayward into the spillway and turned turtke and plunged into the river bank,” sabi ni Huesca base sa police report mula sa Naga.

Tumilapon ang mga sakay ng trak maliban kay Montillano na naipit sa trak bago nakuha ng mga kasamahan niyang sugatan.

vuukle comment

BARANGGAY SULO

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

HUESCA

ISA

ISUZU

JIFTY ADALLA

KINILALA

VIRGILIO MONTILLANO

ZAMBOANGA PENINSULA

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with