23 pamilya apektado ng landslide sa Davao

MANILA, Philippines – Dahil malakas na buhos ng ulan noong nakaraang linggo, 23 pamilya sa Davao del Sur ang naapektuhan ng landslide.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na wala naman nasaktan sa pagguho ng lupa pero inilikas ang mga residente sa covered court sa Purok Cadena de Amor, Barangay Coronan sa Santa Cruz bandang 4 ng umaga noong Sabado.

"The incident was triggered by the continuous moderate to heavy rain that had prevailed over the region," sabi ng NDRRMC.

Nagbigay ng relief goods ang lokal na disaster risk reduction and management council sa mga biktima, dagdag ng ahensya.

Show comments