P30M halaga ng pananim, sinira ng baha sa Maguindanao, NCotabato
MANILA, Philippines – Umabot sa P30 milyong halaga ng palay at mais na pananim ang nasira ng baha sa mabababang luagr sa Maguindanao at North Cotabato kasunod ang malakas na buhos ng ulan noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Pombaen Karon Kader, assistant secretary ng Department of Social Welfare and Development sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na 6,423 pamilya ang inilikas sa matataas na parte ng Cotabato-Davao Highway.
Dagdag ni Kader na 90 porsiyento ng mga lumikas ay umaasa sa mga magsasaka.
“Their farms have become seas of vast floodwaters,†sabi ni Kader.
Nauna nang nagpa-dispatsa ng relief team ang panlalawigang pamahalaan upang tugunan ang mga pangaingailangan ng mga naapektuhan ng baha.
Naapektuhan din ang 40 na baranggay sa bayan ng Kabacan, Pikit, Midsayap at Pigcawayan sa North Cotabato matapos umapaw ang Rio Grande De Mindanao.
- Latest
- Trending