^

Balita Ngayon

Salvage ops ng USS Guardian itinuloy na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinuloy na ang operasyon upang matanggal ang United States (US) Navy ship USS Guardian ngayong Biyernes matapos lumabas sa bansa ang tropical depression na “Crising.”

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Palawan District commander Enrico Efren Evangelista, bumalik na sa pinangyarihan ng insidente ang mga magtatanggal sa barko kabilang ang crane ship na M/V Jascon 25 dahil sa bumuting panahon.

Kaninang umaga, 20 metro na lamang ang layo ng M/V Jascon 25 mula sa USS Guardian na sumadsad sa Tubbataha reefs noong nakaraang buwan.

Naglagay ng reference beacons ang salvage teams na gagamitin ang M/V Jascon 25 “to position itself near and as safe as possible to the USS Guardian to operate her cranes for lifting operations later during the salvage operations."

Labing-dalawang katao ang pumasok sa USS Guardian upang baklasin ito.

Ang crane barge na SMIT Borneo kasama pa ang Archon Tide at Tug Intrepid ay dumating na sa lugar upang samahan ang iba pang salvors na USNS Wally Schirra, Trabajador 1 kasama pa ang barge S-7000 at BRP Romblon.

Naantala ang operasyon ng dalawang araw dahil sa malakas na hangin at malalaking alon na dala ni Crising.

Sumadsad ang  68 metrong minesweeper na USS Guardian noong Enero 17 na patungo sana ng Indonesia.

Sa tantiya ng pamahalaaan umabot sa 4,000 square meters ng bahura ng Tubbataha, na kinilala ng United Nations Education, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) bilang World Heritage Site.

ARCHON TIDE

CRISING

ENRICO EFREN EVANGELISTA

PALAWAN DISTRICT

PHILIPPINE COAST GUARD

SCIENTIFIC AND CULTURAL ORGANIZATION

TUBBATAHA

TUG INTREPID

UNITED NATIONS EDUCATION

V JASCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with