Kilabot na kidnap gang member tiklo sa Cotabato

MANILA, Philippines – Timbog ang hinihinalang miyembro ng kilabot na kidnap gang na nasa likod ng iba’t ibang pandurukot sa mga Intsik sa Cotabato City, ayon sa mga pulis.

Nakorner ng mga awtoridad noong Huwebes si Kasim Daud sa isang liblib na baranggay sa silangang bahagi ng Cotabato City.

Kabilang si Daud, na tiga-baranggay Payan sa Northern Kabuntalan, sa mga dumukot sa negosyanteng si Jinkee Lim Yap halos dalawang taon na ang nakakaraan.

Dinala naman sa opisina ng Department of Social Welfare and Development ang apo ni Daud na kasama niya nang maaresto.

Miyembro umano si Daud ng kidnap-for-ransom group na pinamumunuaan ng Moro commander na si Mayangkang Saguile, na nasa likod ng pandurukot sa 30 residente sa Cotabato City at sa mga karatig na bayan noong 1990s.

Show comments