Walang pasok sa mga pampublikong paaralan sa Maynila

MANILA, Philippines - Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ngayong Biyernes dahil sa masamang lagay ng panahon.

Inianunsyo ni Manila Mayor Alfredo Lim sa kanyang Twitter account @TheMayorLim na suspendido ang klase sa mga pampublikong paaralan -- mula elementarya hanggang kolehiyo -- na pinapatakbo ng lokal na pamahalaan.

"No classes to Public Pre- School, Elementary, and High School. Including the afternoon class of PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) and CCM/UDM (City College of Manila/Universidad de Manila)," sabi ng alkalde sa kanyang Twitter account.

"All classes are suspended for all public schools of Manila from elementary to College. All City owned schools lamang," dagdag ni Lim na muling naghahangad na mahawakan ang lungsod sa muling pagtakbo ngayong halalan 2013.

Sinabi ni Lim na bahala na ang mga pamunuan ng mga pribadong paaralan kung gusto rin nilang magdeklara ng suspensyon ng mga klase.

"Sa lahat ng pribado at hindi government schools ay nasa discretion ng inyong administration ang pagkansela ng klase."

 

- AJ Comia

Show comments