Team PNoy: Pampanga 'di na balwarte ni Gloria

MANILA, Philippines – Hindi na balwarte ng dating Pangulo at ngayo’y kongresista na si Gloria Macapagal Arroyo ang Pampanga, ayon sa tagapagsalita ng Liberal Party ngayong Biyernes.

Sa halip, sinabi ni Team PNoy spokesman Erin Tañada na hawak na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Pampanga, base sa resulta ng presidential election noong 2010.

Sinabi nni Tañada na noong 2010, nanguna ang noo’y tumatakbong sa pagkapangulo na si Benigno Aquino III at ang kanyang partner na si Mar Roxassa bilangan sa Pampanga noong 2010.

Aniya, nakakuha si Pangulong Aquino ng 327,666 na boto o 36.5 porsyento ng kabuuang bilang ng mga botanteng 914,787 sa probinsya.

Ang manok ni Arroyo na si Gilbert Teodoro ay nakakuha lamang ng 280, 462 na boto.

Sa pagka bise-presidente ay lumamang din si Roxas na nakakuha ng 413,016 na boto o 47.20 porsyento, malayong malayo sa nakaupong bise-presidente ngayon na si Jejomar Binay na nakakuha ng 220,357 na boto o 25.18 porsyento sa probinsya.

"So ano yung sinasabi nilang Arroyo country ang Pampanga? This is another myth which the opposition is trying to spread just to get the votes of the Pampangueños,” pahayag ni Tañada.

Kahit ang dating pangulo na si Joseph Estrada na tumakbo din noong 2010 ay nakakuha lamang ng 4.82 porsyento o 43, 298 na boto mula sa mga taga Pampanga.

"So malinaw na ang Pampanga ay balwarte ni Presidente at hindi ni Arroyo o ng kung sinumang nagsasabing oposisyon,” dagdag ni Tañada.

Show comments