MANILA, Philippines – Halos 100 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang barangay sa Quezon City Huwebes ng madaling araw.
Sinabi ni Quezon City fire marshal Senior Superintendent Bobby Baruelo na sumiklab ang apoy sa mga kabahayan sa kahabaan ng Scout Borromeo lagpas hatinggabi.
Mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang may 50 bahay bago ito naapula bandang 3 ng madaling araw.
Ayon kay BAruelto, maaaring electrical short circuit ang dahilan ng sunog na nagmula umano sa bahay na pag-aari ng pamilya Laos.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa multi-purpose hall ng Baranggay South Triangle.