MNLF nasa kampo pa ng ASG sa Sulu

MANILA, Philippines – Namamalagi pa rin sa kagubatan ng Patikul, Sulu ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) kung saan nilusob nila ang kampo ng bandidong Abu Sayyaf Gang (ASG) noong nakaraang linggo.
 
Sinabi ni Sulu provincial police director Senior Superintendent Antonio Freyra nasa kagubatanpa ang puwersa ng MNLF sa ilalim ni Ustadz Habier Malik at binabantayan ang nakuhang kampo ng ASG.
 
Kumaalat din ang takot s alugar matapos umatras ang Abu Sayyaf a maghiwa-hiwalay.
 
“They are still in the area. For what purpose we don’t know yet,” sabi ni Freyra patukoy sa grupo ni Malik.
 
Sa engkwentrong naganap noong nakaraang linggo, 29 ang nasawi, kabilang dito ang walong MNLF at 21 miyembro ng ASG. Lumusob ang mga Moro fighters upang piliting pakawalan na ng Abu Sayyaf ang mga bihag nito kabilang ang Jordanian Jurnalist na si Baker Atyani.
 
Sinabi ni Freyra na ang pagtigil ng MNLF sa mga kampo ng ASG ay maaaring plano ng militanteng grupo upang maiwasan ang muling pagkakabuo ng bandidong grupo at makuha muli ang kampo.
 
“While all these could be speculation, but of course the MNLF forces consider the Abu Sayyaf as lawless elements,” dagdag ni Freyra.
 
Ayon naman kay Habib Mujahab Hashim, nakakatandang miyembro ng MNLF sa central committee at chairman ng Islamic Command Council (ICC), may mga ulat na ilan sa mga miyembro ni Malik ang umatras na.
 
“But it was not a total pull out in the area,” sabi ni Hashim.
 
Ikinatuwa naman ni Hashim ang ginawa ng MNLF na paglapit sa pamilya ng mga nasawing Abu Sayyaf upang ipaliwanag ang ginawa nilang operasyon.
 
“It’s good that efforts are being done to prevent the possible continuous bloodshed,” ani Hashim.

Show comments