MANILA, Philippines – Inaasahang lalakas ang micro, small and medium enterprise (MSME) sa bansa sa pagtatayo ng gobyerno ng mga programang pangnegosyo para sa mga mag-uuwiang overseas Filipino workers (OFWs), ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).
"Pinapaigting natin ang reintegrasyon ng OFWs upang ating magamit ang kanilang karanasan at expertise sa pagpapalago ng socioeconomic development ng bansa," ani Socioeconomic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan.
Idinagdag ni Balisacan na mapapalakas ng mga OFW ang sektor dahil sa dala nilang resources sa bansa.
Sinabi ng NEDA na nagtayo ang gobyerno ng BALinkBayan (Business Advisory Link para sa Bayan) website upang tulungan ang mga OFW na makapagnegosyo sa Pilipinas.
Laman ng website ang mga links sa One-Town-One-Product Program ng Department of Trade and Industry at iba pang proyekto ng mga Department of Agriculture, Department of Agrarian Reform at Department of Environment and Natural Resources.
Simula noong Hunyo 2012, umabot na sa 19,403 ang mga nasanay na OFW sa paghahabi, bamboo processing, paggawa ngmga handmade papers, branding, management at values formation.
Umabot din sa 2,034 na mga OFW ang sumailalim sa mga kaparehong pagsasanay sa ilalim naman ng programa ng Overseas Workers Welfare Administration at ng Philippine Trade Training Center.
Ayon pa sa NEDA, nagpahiram na ito ng pera para sa mga proyekto ng mga small enterprises na umabot na sa P254 bilyon.
"As of June 2012, a total of 44,061 microenterprises have been provided microfinancing (126 percent of target) while 22,073 (or 147 percent of target) had been provided business development services, including capacity building, product development, market linkages, among others," ani ahensya.