MANILA, Philippines – Kahit ipinagdiriwang ang kanyang ika-53 kaarawan ngayong Biyernes, tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Pangulong Benigno Aquino III.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, dumalo sa isang pulong si Aquino kaninang 10 a.m. at pangungunahin din niya ang full cabinet meeting bandang 1:30 p.m.
"Yes, the president has work today. Ever since 2010, it has always been work over play during his birthday," pahayag ni Valte sa isang panayam sa TV.
Magkakaroon ng kaunting pahinga si Aquino sa pagitan ng kanyang mga pagpupulong, ngunit sinabi ni Valte na hindi siya sigurado kung may oras ang pangulo para sa malaking selebrasyon.
Samantala, ipinagtanggol ni Valte si Aquino sa mga panibagong pambabatikos dahil sa talumpati niya sa Cavite kung saan sinabi ng pangulo na tumigil na ang mga botante na maniwala sa mga “anting-anting o agimat†upang gumanda ang kanilang buhay.
Cavite ang hometown ni Sen. Ramon “Bong†Revilla Jr. na naiulat na tatakbong pangulo sa 2016 sa ilalim ng Lakas - Christian Muslim Democrats partry.
Si Department of Interior Local and Government secretary Mar Roxas II naman ang napipisil na patakbuhin ng Liberal Party sa 2016.
"The president has always been consistent in saying that voters should be discerning. The administration is popular, so some people want to take advantage of that and the president wants to remind the voters that not all of them are his allies in initiating reforms," dagdag ni Valte.