MANILA, Philippines - Makakalaya na ang aktibistang manunula na si Ericson Acosta matapos maglabas ng utos ang korte sa Samar na nagpapawalang-bisa sa mga kaso laban sa kanya.
Sinabi ng National Union of Peoples' Lawyers na inilabas na ng Branch 41 ng regional trial court sa Gandara, Samar, ang kautusan na nagbabasura sa kasong illegal possession of explosive ni Acosta.
Ang naturang kautusan ay inilabas ng korte noong Enero 31, 2013.
Dumating sa Maynila si Acosta noong nakaraang buwan para sa isang medical checkup dahil sa renal problem.
Inaresto ng militar ang cultural worker at aktibistang si Acosta habang nagsasagawa umano ng volunteer research work para sa isang lokal na grupo ng mga magsasaka sa Samar.