3 kumpanya ng langis muling nagtaas ng presyo

MANILA, Philippines – Nagtaas na naman ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong Martes ng umaga.

Nagtaas ang Shell, Petron at Flying V ng P1.05 kada litro ng premiuem at unleaded gasoline.

Itinaas din ng mga kumpanya ng langis ng 75 sentimo kada litro sa presyo ng diesel at 54 sentimo kada litro naman sa presyo ng gaas.

Naging epektibo ang bagong oil price hike alas-6 ng umaga.

Ayon sa tatlong kumpanya ng langis, ang pagtataas ng presyo ay base sa paggalaw ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Show comments